Mag-aaral mula sa UMak HSU, wagi sa Kundiman sa Makati 2024
Wagi si G. Rafael Timothy Sylla, ika-labindalawang baitang na mag-aaral mula sa Higher School ng UMak (HSU) ng Kolehiyo ng Makabagong Edukasyong Pang-guro sa Kundiman sa Makati na ginanap noong Setyembre 5, 2024 sa Bulwagang Pang Sesyon ng Lungsod ng Makati.
Sa mahigit sampung indibidwal ang lumahok sa patimpalak na nahati sa dalawang kategorya, nakamit ni G. Sylla ang ikalawang gantimpla sa High School category sa ilalim ng pagsasanay ni G. Severo Cabrera Ancheta.
Sina G. Raymone Noah Godoyo at G. Alexander Trevor Lopez ng Makati High School ang nagkamit ng una at ikatlong gantimpala. Samantala, kabilang sa mga kinatawan ng HSU ay sina Bb. Ma. Allyza Nicole Arellano at Bb. Atasha Acebo.
Ang Kundiman sa Makati ay may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” na kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pangunguna ng Tanggapan ng Museo at Gawaing Pangkultura.
Kamakailan, nagkamit ng consolation prize sina G. Miller Cain Milambilin, Bb. Jhasmin Fortunato, at Bb. Elizabeth Delmo sa Timpalak Balagtasan ng Lungsod.
Written by: Ms. Minerva V. Tamayosa