,

Mga Natatanging Kawani ng UMak, Binigyang Pugay sa Mahusay na Pagganap bilang Lingkod Bayani

Binigyang pugay ang labimpitong kawani ng Unibersidad ng Makati bilang pagdiriwang ng Unibersidad para sa ika-124 anibersaryo ng Servisyo Sibil ng Pilipinas noong ika-27 ng Setyembre 2024.

Narito ang mga kawaning nagpamalas ng kanilang kahusayan at kasipagan sa pagganap ng kanilang mga itinakdang gawain:

Para sa Kategoryang Skilled Worker:

  1. G. Rosendo C. Borja Jr. mula sa UFMO

Para sa Sangay Administratibo

  1. Gng. Teresa J. Garcia mula sa CTM
  2. Gng. Ethelda C. Delmo mula sa CTM
  3. Gng. Kate R. Lopez mula sa ION
  4. Gng. Mary Rose D. Reyes mula sa IOP
  5. G. John S. Garcio mula sa CLAS
  6. G. Kenneth V. Acobo mula sa UFMO
  7. G. Jumar H. Martirez mula sa SPMO
  8. Bb. Crisanta D. Cuevas mula sa CCED
  9. Bb. Erikka Andria R. Vargas mula sa CLP
  10. Bb. Kyrah Martina P. Araullo mula sa CLAS

Para sa Sangay ng Pagtuturo:

  1. G. Mark Lenand S. Espiritu mula sa ION
  2. G. Romualdo M. Protacio mula sa CLAS
  3. G. Eugene M. Pons mula sa CTM
  4. Bb. Jomariss B. Plan mula sa CCIS
  5. Gng. Era Marie F. Gannaban mula sa CCIS
  6. Gng. Gladys O. Magno mula sa CITE-HSU

Samantala, ang mga hinirang naman na Pinaka Natatanging Kawani sa bawat katergorya sina Bb. Errika Andria Vargas (Sangay Administratibo), G. Romualdo Protacio (Sangay Pagtuturo), at G. Rosendo Borja, Jr. (Kategoryang Skilled Worker).

Sa kanyang pangwakas na pananalita, binigyang diin ni Atty. Jewel Bulos, Pangalawang Pangulong Pang-Administrasyon na ang natanggap na parangal ay patunay ng bawat pagsusumikap at sakripisyo na katumbas ng kanilang tagumpay at ng UMak.

Hiniling ng Pangalawang Pangulong Pang-Administrasyon ang walang sawang paglilingkod at pagbibigay inspirasyon sa bawat kawani at mag-aaral. Aniya, “sa bawat serbisyong ating ibinibigay, ibinibigay din natin ang ating sarili, sapagkat tayong mga lingkod-bayan ay hindi lamang pumapasok upang gawin ang ating mga trabaho, kundi pati na rin upang maging instrumento ng pagbabago.”

Ang mga nagwagi para sa taong ito ang magiging kinatawan ng unibersidad upang maging bahagi ng mga nominado sa 2024 Makati Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Search for City Government Outstanding Employees.

 

Written by: Ms. Marilou Nuevo

 

For more photos: