
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS | A.Y. 2020-2021
— Mga katanungan ukol sa pagtanggap ng mga estudyante:
Q1: Tatanggap ba ng transferees ngayong Second semester, A.Y. 2020-2021?
A1: Hindi na po. Tumatanggap lamang po ng transferees at NEW student applicants bago magbukas ang panibagong academic year (A.Y. 2021-2022).
Q2: Kailan ang pagbubukas ng admission para sa A.Y. 2021-2022
A2: Sa ngayon, postponed muna ang admission. Maghintay lamang ng aming announcement ukol sa petsa, link at mga kinakailangang requirements.
— Mga katanungan ukol sa pagbabayad ng mga kaukulang bayarin:
Q3: Paano po mag-file ng Residency Verification Form at hanggang kailan pwedeng magpasa?
A3: I-download ang form sa bit.ly/UMakRVF. I-send ito sa [email protected] kasama ang photo o scanned copy ng iyong Voter's ID o Certificate o ng iyong magulang o kapatid kung ikaw ay bababa sa 18 taong gulang.
Q4: Bakit 'di tinatanggap ang aking bayad sa UMak Scan to Pay
A4:
Mga pwedeng dahilan
a. Basahin ang error message
b. Hindi pumapasok ang halagang inilagay dahil sa limitasyon na 50s na denomination.
c. Dalawa ang reference number dahil 2 beses nagbayad.
d. Iba pang teknikal na error
Ano ang gagawin:
Mag-email sa [email protected] kasama ang complete name, student number, college at kung maaari, screenshot ng error message.
Q5: Nagbayad na ako pero wala pa rin akong Certificate of Registration (COR)?
A5:
Posibleng may mali sa pag-process ng payment. Mga pwedeng dahilan:
a. Naunang nagbayad sa GCash bago ilagay ang mga kinakailangang impormasyon sa umak.edu.ph/scantopay
b. Hindi tugma ang inilagay na halaga sa portal at ang halagang ibinayad sa GCash.
Ano ang gagawin:
Hintayin ang reconciliation process ng Finance team at ikaw ay maaaring kontakin kung sakaling may kinakailangan pang bayaran.
Gayunpaman, tuloy-tuloy ang pagpapadala ng official COR mula sa ating ITC. Mag-send ng inyong Payment Reference code sa [email protected]
Q6: Bakit 3,000 pesos pa rin ang aking tuition fee? Nakapagpasa na ako ng Residency Verification Form.
A6: Maaari mong i-email ang lahat ng iyong Proof of Residency sa [email protected]
Q7: Pwede po bang partial lang ng tuition fee ang aking bayaran?
A7: Opo. Sa pag-access ng umak.edu.ph/scantopay, makikita kung ano ang minimum na halaga na maaari mong bayaran.
Q8: Hanggang kailan pwede magbayad ng tuition fee para sa First semester, A.Y. 2020-2021?
A8: Para makapag-print ng official COR, maaaring magbayad bago ang midterm examinations sa October 24, 2020.
— Mga katanungan ukol sa paghingi ng school documents:
Q9: Paano po ako makaka-request ng kopya ng aking school records?
A9: Pumunta lamang sa umak.edu.ph/appointment para makapag-request ng kopya, magpa-authenticate at magpa-iskedyul ng appointment.
Q10: Hanggang ngayon, wala pa rin po akong nakukuhang schedule o claim stub? Ilang araw/linggo na ang nakalilipas.
A10: Natanggap na po ng Office of the University Registrar ang mga requests at kasalukuyang tumutugon sa mga ito.
Pakiusap na maghintay at paulit-ulit i-check ang inyong email na A11 ginamit sa pagpapadala ng request.
Q11: Nakakaranas ako ng technical problems sa pag-access sa UMak portal. Ano ang maaaring gawin?
A11: Magpadala ng email sa [email protected] ukol sa iyong concern. Ito'y samahan ng iyong buong pangalan, student number, college at kung maaari, screenshot ng error.
Q12: Paano po kung nakalimutan ko ang password ng aking UMak email account?
A12: Magpadala ng email sa [email protected] at ilagay ang iyong buong pangalan, year and section, college o department, student ID number, UMak e-mail address at ang iyong concern.
Q13: May directory po ba na pwedeng tignan para makontak ang iba't-ibang departamento?
A13: Pumunta lamang sa www.umak.edu.ph/directory